Manila, Philippines – Sa mediacon ng “Uninvited” produced by Mentorque, ibinahagi ni Nadine Lustre na kakaibang role ang ginagampanan niya sa suspense thrilller-action na ito bilang kontrabida.
Ayon sa best actress noong nakaraang MMFF sa movie na “Deleter,” ang pelikulang “Uninvited” ay kinakitaan niya ng hamon sa kanyang craft.
“It is a huge change from all the roles I have done before. Everyone knows me from romcoms and dramas — romance stuff.
“My roles are always mabait na anak, palaban pero mabait.
“This time, I was able to explore and try a different side of acting.
“I wanted you to see kung ano pa ang kaya ko gawin.
“Sobrang extreme from my previous characters — something I always wanted to do.
“I love exploring. Hopefully, maging darker ang characters ko,” sabi ni Nadine.
Napansin ng movie audience sa viral teaser na inilabas na may isang eksena na nagmumurahan sila ni Aga Muhlach sa kanyang charactet na si Guilly.
Aniya, ngayon lamang siya nakaganap ng “dark” role at nilinaw niya na kabaligtaran ang ginagampanan niyang character sa totoong buhay.
“Iba ‘yung pakiramdam na maka-eksena si Kuya Aga.
“That scene, every time after ng eksena, may adlib si Kuya Aga. After paglabas ng pintuan, tawa ako ng tawa.
“Hindi siya awkward, natuwa ako at natawid namin eksena. Pero I would say if you watch the trailer, triggering in a way pero nakakatawa lang knowing si Kuya Aga na ang layo ng personality niya,” pahayag ng actress.
Bukod sa kanila ni Aga, pinagmamalaki rin ni Nadine na first time nitong nakasama ang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.
Nagkatambal na sa dalawang pelikula noon sina Ate Vi at Aga, tatlongng dekada na ang nakakaraan at sa wakas, sila’y reunited sa Uninvited.
Pahayag ni Aga, “Proud ako sa dalawang film namin, dito sobrang proud ako. How could you say no. I am the happiest to do this film and to have done it with Vilma.
“It comes in threes, third film namin — done na ako sa buhay.”
Dagdag ni Vi, “Alam namin na hindi madali ang story. Nang na-lay out na istorya, talagang importante ang characters sa movie para maging epektibo.
“Nang binuo to, nag-usap kami nina direk at team, walang ibang choice to play Guilly but right away, ang pangalan na binagsak Aga Muhlach.”
The concept of thriller-drama, directed by Dan Villegas and written by Dodo Dayao, is the brainchild of Santos-Recto.
“Wala ang pelikulang ito kung hindi dahil kay Vilma. Istorya niya ito. Sa kanya galing.
“Ilang beses kami nag-pitch. Sabi ko tigilan natin ‘to — ano gusto mo gawin. And marami siya binigay na peg na gusto niya gawin,” na sinegundahan ng Mentorque CEO na si John Bryan Diamante.
Ayon kay Vi, the premise of the entry for the golden MMFF had long been her “dream project.”
“Ito dream story ko. May interviews ako, sinasabi ko gusto ko gumawa ng pelikula na nangyari ng 24 hours.
“Nag-uumpisa maganda, magsisimula dilapidated na. ‘Di ko alam gitna, sina direk ang naglagay ng istorya hanggang sa nabuo,” sabi ni Ate Vi. Ador Saluta