California, USA – Super disappointed ang maraming US-based Vilmanians na asang-asa na mapapanood nila ang Uninvited ng kanilang idolo na si Vilma Santos.
Supposedly, nasa lineup ng Manila International Film Festival na idaraos sa March 4 hanggang 7 ang last year’s MMFF entry ni Ate Vi na Uninvited.
Kasama niya rito sina Aga Muhlach at Nadine Lustre.
Bale ba, naunang naiulat na pararangalan si Vilma ng Lifetime Achievement award along with Boots Anson-Rodrigo at Ricky Lee.
May posthumous tribute din para kina Mother Lily at Gloria Romero.
Kasama dapat ang Uninvited sa mga magso-showing sa TLC Chinese 6 sa Hollywood Bivd. sa Los Angeles, California.
Nadismaya ang mga Vilmanians sa pagkaka-pull out nito dahil marami sa kanila’y nakabili na ng airfare tickets at naka-book na sa mga hotel sa LA.
Naiulat ding hindi makakarating si Vilma dahil mangangampanya ito.
Ate Vi is running for Governor in the province of Batangas.
Bukod sa Uninvited, hindi na rin tuloy ang showing ng Isang Himala.
Bale ang ipinalit sa Uninvited at Isang Himala ay Everything About My Wife at Magikland 2020.
Ang EAMW ay pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Sam Milby.
Showing ito sa Manila sa February 28.
Matatandaang ang pelikula nina Vilma at Christopher de Leon na When I Met You in Tokyo was shown in last year’s MIFF.
Na-postpone ang MIFF this year dahil sa naganap na laganap na sunog sa LA nitong January. Ronnie Carrasco III