Home METRO MPD nagdaos ng surprise drug test sa mga tauhan

MPD nagdaos ng surprise drug test sa mga tauhan

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng surprise drug test ang Manila Police District (MPD) para sa mga tauhan nito.

Ayon kay MPD Director P/Brig. General Andre Dizon, humigit-kumulang 100 tauhan ang sumalang sa drug test na isinagawa sa Rizal Hall, MPD headquarters sa UN Avenue, Ermita, Maynila.

Kabilang sa mga sumalang sa drug test ang mga miyembro ng Command Group, Chiefs, D-Staff at Chief Clerks.

Sinabi ni Dizon na ang aktibidad ay alinsunod sa Internal Program ng MPD.

Ayon naman kay MPD Public Information Office Chief P/Major Philipp Ines, maaaring maharap sa kasong administratibo at dismissal sa serbisyo ang sinumang matutuklasang positibo sa illegal na droga.

Layon ng surprised drug test sa mga kapulisan na matiyak ang kanilang kalusugan at makaiwas masamang bisyo o illegal na aktibidad na may kinalaman sa iligal na droga. Jocelyn Tabangcura-Domenden