Home ENTERTAINMENT Vice, niresbakan ng fans ni Toni!

Vice, niresbakan ng fans ni Toni!

Manila, Philippines – Kaibigan ang turing ni Toni Gonzaga dito kay Vice Ganda.

Noong bagong salta pa lang sa ABS-CBN ang It’s Showtime host ay walang pumapansin sa kanya kundi si Toni lang. Dinadaan-daanan lang siya ni John Lloyd Cruz at ng iba pang big Kapamilya stars.

Syempre, startlet o nameless pa ang bading kaya walang paki ang mga ito sa kanya. Pero si Toni ay naging mabait kay Vice.

Ngayong ang baklush na ang bagong endorser ng Shopee, ang tanong ng nga netizens ay kung tama ba at makatarungan na mag-post siya sa kanyang social media account nang tanong kung nakapag-reinstall na raw ang lahat? Naturalemente, alam ng fans and supporters ni Toni na ang idol nilang TV host actress ang siyang pinariringgan ni Vice dahil sa isyung ikinalat ng mga Kakampink noong manalo si PBBM.

FYI, ang isyu ay nag-uninstall daw ang mga customer ng nasabing popular na online shopping app nu’ng si Toni pa ang endorser which is a fake news dahil intact at hindi nabawasan ang mga suki ng Shopee during her endorsement.

Ayun, dahil sa kayabangan daw ni Vice ay bugbog sarado siya ng bashers.

Ang sigaw daw ngayon ng bashers ay magtatanggal sila ng app ng nasabing online store dahil ayaw nila kay Vice.

Ambilis naman ng karma!

And for Toni naman, she’s very happy now at natupad yung pangarap niya na magkaroon ng baby boy and girl. Yes ipinanganak na nga ni Toni ang bunso nila ni Direk Paul Soriano na si Paulina Celestine o Polly at love na love ito at pinanggigigilan lagi ng kanyang Kuya Seve. Peter Ledesma

Previous articleTrike driver patay, pasahero sugatan sa bumagsak na puno sa Cavite
Next articleMPD nagdaos ng surprise drug test sa mga tauhan