Home IN PHOTOS MPD nagsagawa ng solidarity pact signing sa pagsisiguro ng mapayapang eleksyon

MPD nagsagawa ng solidarity pact signing sa pagsisiguro ng mapayapang eleksyon

PINANGUNAHAN nina Atty. Jericho M. Jimenez, Election Officer-IV COMELEC Manila, PBGen. Anthony Aberin, Acting NCRPO, MPD Director Arnold Thomas Ibay, kinatawan ng DEPED, Philippine Coast Guard, Philippine Navy/Marines, Religious Leaders at PPCRV ang pagsumpa at pagpirma sa solidarity pledge wall para sa malinis, mapayapa at may integridad na halalan 2025 National and Local Elections at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections (BARMM PE) sa buwan ng Mayo. CRISMON HERAMIS

MANILA, Philippines – Para sa pagpapakita ng malakas na pagkakaisa, ang National capital Regional Office ay sinelyuhan ang kanilang pangako para sa isang ligtas,patas at mapayapang electoral process.

Sa pamamagitan ng Solidarity Pact Signing para sa 2025 National and Local Elections (NLE) at BARMM Parliamentary Elections (BARMM PE), pinangunahan ni NCRPO PBGen. Anthony A. Aberin, acting regional ditector at ilang pangunahing ahensya ng gobyerno ang nasabing kaganapan sa Manila Police District headquarters nitong Huwebes ng umaga.

Kabilang sa mga ahensya ang Philippine Coast Guard (PCG) , Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Commission on Elections (Comelec) , Armed FOrces of teh Philippines (AFP) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) bukod sa iba pa.

Kasabay nito pumirma ang bawat isa bilang pakikiisa matapos ang kanilang panunumpa.

Ang NLE ay isasagawa sa May 12 ng taong kasalukuyan kung saan katuwang ng Comelec ang PNP at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng kaayusan, seguridad at kapayapaan sa bansa. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)