Home METRO MPD Showdown Inspection

MPD Showdown Inspection

Pinangunahan ni Manila Police District Director. PB. Gen. Arnold Thomas Ibay ang showdown inspection ng halos 900 na personnel mula sa iba’t-ibang unit at 14 presinto ng MPD.

Aniya, paraan ito upang masiguro na handa ang buong pwersa ng MPD para masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa Maynila lalo na sa mga magkakasa ng kilos protesta.

Paliwang pa ni Ibay, handa nilang ideploy ang nasa 400 hanggang 500 tauhan ng MPD sa Quezon City kung saan gaganapin ang SONA ng Pangulong Marcos kung kakailanganin ito. (Kuha ni Crismon Heramis)