Home HOME BANNER STORY Mpox naitala sa Baguio!

Mpox naitala sa Baguio!

MANILA, Philippines – Naitala ang kauna-unahang kaso ng mpox sa Baguio City.

Ayon sa Health Services Office ng lungsod, ang kaso ay mula sa isang 28-anyos na lalaki na apektado ng less severe Clade II mpox virus type.

Nakumpleto ng pasyente ang isolation at idineklarang magaling na noong Enero 17, 2025.

Ang mpox ay isang zoonotic disease o naipapasa mula sa mga hayop patungo sa tao, na naipapasa sa pamamagitan ng close physical contact.

Hindi katulad sa COVID-19, walang patunay na naipapasa ito sa pamamagitan ng hangin.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang human-to-human mpox transmission ay posible sa direct contact sa balat o mucosal lesions, katulad ng pagsasalita, paghinga, paghalik, paghawak, pagyakap, sexual intercourse o respiratory secretions.

Maaari rin itong makuha sa kontaminadong kutson, damit o mga tela.

Kabilang sa sintomas nito ay ang skin rash o mucosal lesions na sinasamahan ng lagnat, namamagang lymph nodes at sore throat, muscle aches at back pain, headache at low energy.

Noong Agosto, idineklara ng World Health Organization ang global public health emergency matapos ang mpox outbreak sa Democratic Republic of Congo na kumalat sa mga kalapit pang bansa. RNT/JGC