Home HOME BANNER STORY Mpox walang konek sa HIV – eksperto

Mpox walang konek sa HIV – eksperto

MANILA, Philippines – Bagamat ilang kaso ng mpox ang nasuri na positibo sa human immunodeficiency virus (HIV), nilinaw ni infectious disease expert Dr. Rontgene Solante na walang aktwal na koneksyon sa pagitan ng dalawang virus.

Gayunman, binanggit ni Solante na ang mga naugnay sa pakikipagtalik ay nasa ‘high risk’ na magkaroon ng mpox dahil ang virus ay maaring mailipat sa pamamagitan ng close at intimate ,skin-to-skin contact.

“Walang connection ito (mpox) doon (HIV). Iba naman ang HIV… It’s a different type of virus, which is a really progressive type of infection na talagang unting unti sisirain niya ‘yung immune system natin,” sabi ni Solante.

Sinabi rin ng Department of Health (DOH) na ang mpox ay maaring mailipat hindi lamang sa pamamagitan ng non-sexual skin-to-skin contact ngunit sa pamamagitan ng sexual encounters sa mga infected individuals.

Ayon kay Solante, maraming infected na may mpox noong 2022 ay mayroon ding HIV dahil sa kanilang sexual na pag-uugali.

“Ang nakikita natin not only the Philippines, but also in other countries na hindi endemic ang mpox, ‘yung clade II, kadalasan siguro mga 60 to 80% of those infected during the 2022 infection or outbreak, mga HIV positive because of the close, sexual, intimate contact ang mode of transmission,” ani Solante.

Nagbabala ang DOH na sinuman ay maaaring magkaroon ng mpox, at ang virus ay maaaring maipasa sa mga tao sa pamamagitan ng malapit at matalik na pakikipag-ugnayan sa isang taong nakakahawa, sa pamamagitan ng mga kontaminadong materyales tulad ng mga ginamit na damit o kagamitan, o sa pamamagitan ng mga nahawaang hayop.

Noong Linggo, inihayag ng DOH na mayroon na ngayong walong aktibong kaso ng mpox sa bansa dahil tatlong karagdagang kaso ang natukoy. Ang kabuuang mpox caseload sa Pilipinas ay nasa 17 na mula noong Hulyo 2022.

Ang 15 at 16 mgà kaso ay nagkaroon ng hindi kilalang pakikipagtalik sa higit sa isang kapareha, habang ang 17 kaso ay nagkaroon ng malapit, balat-sa-balat na pakikipagtalik sa ibang tao na may mga sintomas sa balat. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)