MANILA, Philippines – NAKAAAPEKTO na sa imahe ng Davao City ang nagpapatuloy na tangkang pag-aresto ng kapulisan kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder, Pastor Apollo C. Quiboloy, at sa kapwa akusado nito.
“It is true that the city’s image and the residents’ businesses in Davao City were affected. Flights were disrupted in the first two days of their operation. No one wants this as our goal is to ensure a peaceful life for Davao City,” ayon kay VP Sara.
Nauna rito, pinangunahan ni VP Sara ang paggunita para sa nga biktima, kanilang pamilya at survivors ng ika-8 taong anibersaryo ng Roxas Night Market bombing sa Roxas Ave. sa Davao City noong September 1, 2016.
Sinabi pa ni VP Sara na ang pagpapatupad at pagsisilbi ng arrest warrant ay dapat na episyenteng makompleto. Ang sukat ng lugar ay hindi dapat ginagamit bilang ‘excuse’ para magtagal ang mga pulis sa lugar.
“With so many police officers already on-site, it is surprising that, after nine days, they have still not finished executing the arrest warrant,” ayon kay VP Sara, sabay sabing kung mayroong pang-aabuso sa kapangyarihan sa operasyon ay nananatiling idedetermina ng korte.
Sinabi pa niya, sa kanyang pagkakaintindi, ang mga miyembro ng KOJC, sa pamamagitan ng kanilang legal counsel, naghanda ng maraming kaso laban sa mga miyembro ng Philippine National Police at bahala na ang korte na idetermina kung may pang-aabuso sa awtoridad.
“In my personal opinion, there is abuse of authority. We don’t need to list the violations seen just to implement the arrest warrant. There is no issue with implementing the warrant of arrest, but it should be done according to the law,” ayon kay VP Sara.
Sinabi pa niya na malabo na ang kanyang pagbisita sa KOJC compound ay mapupulitika dahil bilang isang Davaoeño at Vice President ng bansa, responsable siya sa pagbibigay ng kaginhawaan sa mga KOJC members sa kanilang ng kasalukuyang kahirapan.
Hinikayat din ni VP Sara ang mga tao ng Davao City upang panindigan ang rule of law, palaging tugunan ang paglabag, kabilang ang constitutional violations o breaches of the law, at maayos na ipatupad ang arrest warrants.
Samantala, binatikos naman ni VP Sara ang mga pulis para sa pagpapatupad ng arrest warrants laban kay Quiboloy at kanyang mga kasamahan na ‘wanted’ para sa child at sexual abuse at human trafficking. RNT