Home OPINION DOLE BILANG ISA SA “LEADING AGENCIES WITH THE HIGHEST BENEFICIARIES AND PIONEER...

DOLE BILANG ISA SA “LEADING AGENCIES WITH THE HIGHEST BENEFICIARIES AND PIONEER AGENCIES” SA BAGONG PILIPINAS SERBISYO FAIR

Pinarangalan ang Department of Labor and Employment (DOLE) bilang isa sa Leading Agencies with the Highest Bene­ficiaries sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) Agency Summit ngayong taon.

Personal na tinanggap ni DOLE Secretary Bienvenido E. Laguesma ang parangal sa seremonyang ginanap sa Philippine International Convention Center noong ika-19 ng Agosto 2024.

Ang nasabing parangal na tinanggap din ng Department of Social Welfare and Development at Department of Health, bi­lang mga ahensya ng pamahalaan na nagpakita ng dedikasyon sa pagbibigay ng mabilis at mahusay na serbisyo sa publiko.

Samantala, kasama ang 22 iba pang ahensya ng pamahalaan, tinanggap din ng DOLE ang parangal bilang Pioneer Agencies Leading the Bagong Pilipinas Serbisyo Fair para sa akti­bong paglahok nito sa unang implementasyon ng serbisyo fair na gi­nanap sa Biliran noong Agosto 26-27, 2023.

Binigyang pagkilala rin si DOLE Assistant Secretary Dominique Rubia-Tutay bilang isa sa Outstanding Central Office Representatives for Exceptional Attendance sa BPSF, sa ipinakita nitong suporta at dedikasyon sa mga programa at serbisyo ng BPSF.

Ang BPSF Agency Summit ay ang pagtatapos ng pagdiriwang sa unang anibersaryo ng nasabing programa na naglalapit sa mga pinagsamang programa at serbisyo ng mga ahensya ng pamahalaan sa mga mamamayan, partikular sa mga nakatira sa malalayo at liblib na lugar.

Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni House Speaker Martin G. Romualdez ang mga ahensya ng pamahalaan at ang DOLE “sa pangangasiwa sa lahat ng mga inisyatibo at programa nito na napakahalaga sa mga mamamayan.”

“Ang BPSF ay isang testamento sa kapangyarihan ng inter-agency collaboration – isang modelo kung paano dapat ku­milos ang pamahalaan, hindi naghihiwalay, bagkus ay sama-samang nagtatrabaho para sa higit na ikabubuti ng lahat,” pahayag niya.