Home HOME BANNER STORY Multa na gang P50M sa social media platforms na ‘di poprotekta sa...

Multa na gang P50M sa social media platforms na ‘di poprotekta sa kabtaan, inihain sa Kamara

3
0

MANILA, Philippines – Isinusulong ng liderato ng Kamara ang House Bill No. 9965 o Children’s Social Media Safety Act, na magpapataw ng multang P5 milyon hanggang P50 milyon sa mga social media platform na hindi susunod sa mga patakaran para sa kaligtasan ng mga bata online.

Inihain ang panukala nina House Speaker Martin “Bojie” Dy III at Majority Leader Sandro Marcos matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.

Layunin ng panukala na magpatupad ng age verification, parental controls, at mas mahigpit na proteksyon laban sa mapanganib na content. Maaari ring ipagbawal o pansamantalang ipahinto ang operasyon ng isang social media platform sa Pilipinas kung paulit-ulit itong lalabag sa batas.

Sa ilalim ng panukala:

• Hindi papayagang magkaroon o gumamit ng social media account ang mga batang 12 taong gulang pababa.

• Ang mga edad 13 hanggang 17 ay maaari lamang gumamit ng social media kung may pahintulot at tuloy-tuloy na gabay ng magulang o guardian.

• Kailangang magbigay ang mga platform ng mga tool para mabantayan ng mga magulang ang account ng kanilang anak, kabilang ang screen time, privacy settings, at online activity.

Inaatasan din ang mga social media platform na:

• Gumamit ng maaasahang age verification.

• Limitahan ang paglabas ng mapanganib na content sa mga bata.

• Huwag mangolekta ng hindi kailangang sensitibong personal o biometric data ng mga menor de edad.

• Maging mas malinaw kung paano gumagana ang kanilang mga algorithm at magsumite ng regular na ulat sa Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay Speaker Dy, dapat ding maprotektahan ang mga bata habang gumagamit ng social media, tulad ng proteksyong ibinibigay sa kanila sa paaralan at komunidad.

“Kung may batas tayong nagpoprotekta sa mga bata sa paaralan, sa lansangan, at sa ating mga komunidad, dapat mayroon din tayong malinaw na proteksiyon habang sila ay gumagamit ng social media.”

“Responsibilidad nating siguraduhin na ang teknolohiya ay para sa kabutihan ng bata, hindi nagiging sanhi ng panganib sa kanilang paglaki.” RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here