Home METRO QC Schools, pinaigting protocols sa banta ng school violence

QC Schools, pinaigting protocols sa banta ng school violence

1
0

MANILA, Philippines – Upang maiwasan ang mga banta ng karahasan sa mga paaralan pinaigting ng Quezon City Schools ang ipinatutupad na protocol sa mga eskuwelahan sa lungsod  matapos ang naganap na pamamaril sa dalawang estudyante  sa isang paaralan sa Tacloban.

Ito ang sinabi ni Dr Carleen Sedilla- School Division Superintendent sa Quezon City makaraang maganap ang pamamaril ng dalawang minor na estudyante sa mga mag aaral sa isang paaralan sa Tacloban at pananaksak ng isang estudyante sa kanyang mga kaklase sa isang paaralan sa Cavite.

Ayon kay Sedilla, 100 percent na ang lahat ng paaralan sa Quezon City ay mayroon metal detector na gamit ang school guards sa mga paaralan bukod sa ginagawa ngayong bag inspection sa lahat ng mag aaral na papasok sa paaralan sa lungsod.

“Sa bag inspection para walang child abuse, ginagawa namin na mismong ang mga estudyante ang magbubukas ng kanilang bag para masuri ang laman nito ng ating mga guards at ito ay isa sa security measures na ginagawa ng lahat ng schools sa QC. Lahat ng entrance ng mga building sa mga paaralan, may nakabantay alinsunod sa aming protocol sa Qc Schools” sabi ni Dr Sedilla.

Ngayon anya ay mayroon na ring mga police personnel ang nagroronda sa mga paaralan sa pakikipag tulungan ng QC police na maingatan ang mga batang mag aaral.

Sinabi ni Sedilla na pinabigyan din ni QC Mayor Joy Belmonte ng uniporme ang mga barangay personnel na tutulong na magbantay sa mga paaralan upang mabilis silang ma identify bilang mga force multiplier na poprotekta sa mga mag aaral.

Itinalaga din anya ang mga Boy Scout at Girl Scout sa mga paaraalan bilang mga lider na mangangalaga sa kaayusan sa mga paaralan.

Kaugnay nito mayroon din anyang counselling na ginagawa sa mga kabataang mag aaral na bahagi ng Mental Health program sa mga paaralan upang malaman ang mga kabataang high risk o nangangailangan ng mas matinding pangangalaga.

Sa QC anya ay naka heightened alert ang mga paaralan para maiwasan ang mga school violence katulong rin ang mga magulang ng mga kabataang mag aaral.

Iminungkahi naman ni Atty Tin Sevilla, founder ng Active Action Againts Violence and Exploitation na paigtingin ang batas sa Anti Bullying Act at lagyan ng mentall health professionals ang mga paaralan upang mapangalagaan at maprotektahan ang mga bata mula sa mga karahasan. (Santi Celario)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here