Home METRO Muslim prayer rooms binuksan sa SM Manila, SM San Lazaro

Muslim prayer rooms binuksan sa SM Manila, SM San Lazaro

1
0

MANILA, Philippines — Binuksan na ang mga nakalaang Muslim prayer rooms sa SM City Manila at SM City San Lazaro bilang bahagi ng hakbang ng Manila City Government na magbigay ng accessible na lugar para sa pagdarasal ng Muslim community.

Bago ang pagbubukas, nagsagawa ng final inspection si Manila Vice Mayor Chi Atienza sa pasilidad sa SM City Manila noong Setyembre 15. Kasabay nitong nakumpleto ang katulad na prayer room sa SM City San Lazaro.

Ayon kay Atienza, katuwang ng lungsod ang SM Supermalls sa proyekto na nagsimula sa serye ng site inspections noong Setyembre 2025.

Matatagpuan ang prayer room sa 5th Floor ng SM City Manila at Upper Ground Floor ng SM City San Lazaro. May magkahiwalay na prayer areas para sa kalalakihan at kababaihan at mga nakalaang ablution area para sa paghuhugas bago ang pagdarasal. Nakaharap din ang mga prayer space sa direksiyon ng Mecca.

Sinabi ni Atienza na bahagi ang proyekto ng pagsusulong ng city government ng inclusive governance at pagtugon sa pangangailangan ng Muslim community sa Maynila.

“Isang bagay na pinangako namin ni Yorme ay mabigyan sila ng mga prayer rooms para kapag sila ay umiikot sa mga pampublikong lugar dito sa Maynila, makakapagdasal sila nang taimtim,” ani Atienza.

Nagpasalamat din ang bise alkalde sa SM Supermalls sa pakikipagtulungan sa pagtatayo ng mga pasilidad. Jay Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here