Home METRO MWP nalambat sa Bulacan

MWP nalambat sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang 48 anyos na lalaking Top Most Wanted Person nang silbihan ng Warrant of Arrest (WOA) ng mga awtoridad sa bayan ng Angat.

Kinilala ang akusadong si Ricardo Magat, residente ng Brgy. Sulucan na Top 7, Most Wanted Person Regional Level at Top 5, Provincial Most Wanted Person.

Sa report, isinilbi ang WOA bandang 8:15 ng gabi nitong Disyembre 3 sa Brgy. Banaban nang pinagsanib puwersa ng Angat police, Regional Investigation and Detective Management Division 3, Regional Intelligence Unit 3, 301st MC-RMFB 3, Bulacan PIU, Bulacan 1st and 2nd PMFC.

Nabatid na ang WOA sa kasong paglabag sa Section 11, Art. II ng RA 9165 ay inisyu ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 15, City of Malolos nitong Nobyembre 10, 2023.

Sinasabing ang naarestong akusado ay kasalukuyang nasa Custodial Facility ng naturang humuling istasyon. Dick Mirasol III