Home OPINION “WAY-BELOW TO BELOW-NORMAL” NA PAG-ULAN MARARANASAN SA UNANG TATLONG BUWAN NG 2024

“WAY-BELOW TO BELOW-NORMAL” NA PAG-ULAN MARARANASAN SA UNANG TATLONG BUWAN NG 2024

210
0

Ang inyong Agarang Serbisyo Lady ay natutuwa dahil sapat na ang tubig sa Angat Dam para sa lahat ng pangangailangan, ma­ging sa mga irigasyon. Ito’y isang magandang balita sa lahat, lalo na sa ating mga magsasaka, dahil, isang malaking tulong kung sapat ang tubig, upang sila ay magkaroon ng saganang ani, dumating man ang tag-tuyot sa mga hinaharap na buwan.

Base sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, nasa 212.87 meters ang level ng tubig sa Angat Dam, base sa pinakahuling ulat (Disyembre 2, 2023, 6:00AM). Humigit na sa Angat Dam’s Mi­nimum Operating Water Level (MOWL) of 180 meters. Naabot natin ang inaasam na target goal na 210.00 meters, kaya isang magandang balita para sa taong 2024.

Ngunit, babala ng National Water Resources Board (NWRB) kahit sapat ang tubig, palagi pa rin nating isaisip ang pagtiti­pid, sapagkat, gaano man karami ang tubig, kapag hindi tayo marunong magtipid, siguradong magkakaroon ng kakulangan sa tubig. Kaya, ang tamang nating gawin.

Kahit nasa normal na level ang tubig sa mga dam pero mas makabubuti na huwag abusuhin ang paggamit ng tubig sapagkat mauubos din ito.

Sa pagpasok ng taong 2024, asahan na may dalawampung lugar sa bansa ang maaaring makaranas ng dry spell o “below-normal” na kondisyon ng pag-ulan sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan, ayon sa PAGASA.

Sinabi ng PAGASA na ang ilang bahagi ng Northern at Central Luzon, Misamis Occidental, at Tawi-Tawi ay inaasahang magkakaroon ng “below-normal” na pag-ulan mula Disyembre 2023 hanggang Marso 2024.

Samantala, ang Metro Manila, Abra, Ilocos Norte, Bataan, Zambales, at Occidental Mindoro ay maaaring magkaroon ng dry condition dahil sa “below-normal” na pag-ulan sa loob ng dalawang magkasunod na buwan.

Nabatid din ng weather bureau na ang Batangas, Cavite, at Oriental Mindoro ay maaaring makaranas ng tagtuyot o “below-normal” na pag-ulan sa loob ng limang magkakasunod na buwan.

Bilang karagdagan, ang PAGASA ay inaasahang “way-below to below-normal” na pag-ulan para sa karamihan ng bahagi ng bansa mula Enero hanggang Marso 2024.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here