Home NATIONWIDE Myanmar elections, ‘di pa kinikilala ng ASEAN ‘sa ngayon’ – DFA

Myanmar elections, ‘di pa kinikilala ng ASEAN ‘sa ngayon’ – DFA

348
0

CEBU CITY — “As of now,” hindi kinikilala ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang katatapos lamang na halalan sa Myanmar, ayon kay Foreign Affairs Secretary Ma. Theresa Lazaro nitong Huwebes.

Sa press briefing matapos ang ASEAN Foreign Ministers’ Retreat sa Cebu, sinabi ni Lazaro na kailangan pang magkaroon ng karagdagang pagpupulong at konsultasyon ang blokeng ito tungkol sa pagbuo ng bagong pamahalaan sa Myanmar. Ipinahayag ng kinatawan ng Myanmar na ang halalan ay “very peaceful” at marami ang lumahok, ngunit binigyang-diin ng mga ministro na ang eleksyon ay dapat “free, fair, peaceful, transparent, inclusive and credible.”

Tungkol sa pagkilala sa resulta ng halalan, ani Lazaro, “As of now… It (ASEAN) has not endorsed the three phases of the elections that was held in Myanmar.”

Muling pinagtibay ng mga ministro ng ASEAN at mga kinatawan ng Myanmar ang Five-Point Consensus bilang pangunahing sanggunian sa paglutas ng krisis at binigyang-diin na ang makabuluhang progreso sa politika ay nangangailangan ng kapayapaan, seguridad, at inklusibong dayalogo.

Dagdag pa ni Lazaro, sinusuportahan ng ASEAN ang “Myanmar-owned and Myanmar-led” na solusyon habang patuloy na itinuturing ang Myanmar bilang “integral part” ng blokeng ito. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here