Home NATIONWIDE Nabubulok na bangkay ng lider ng NPA narekober sa Samar

Nabubulok na bangkay ng lider ng NPA narekober sa Samar

243
0

MANILA, Philippines – Nadiskubre ng mga sundalo ang nabubulok nang bangkay ng hinihinalang lider ng New People’s Army (NPA) matapos ang engkwentro sa Hinabangan, Samar noong Biyernes, Marso 14.

Natagpuan ng mga sundalo ng 63rd Infantry Battalion ang bangkay sa pagitan ng Barangay Cabalagnan at Tabay habang hinahabol ang dalawang miyembro ng Sub-Regional Committee (SRC) Sesame, ayon sa report ng 8th Infantry Division sa Catbalogan City, Samar.

Ang dating miyembro ng NPA ay nakilala sa mga personal na gamit nito.

Kinilala itong si Lupito Bucatcat, alyas “Hunio,” na pinaniniwalaang secretary ng SRC Sesame sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Si Bucatcat ay sangkot sa engkwentro ng mga sundalo ng pamahalaan noong Pebrero 25 at nahaharap sa kabi-kabilang murder case sa Branch 30 ng Regional Trial Court sa Basey, Samar.

Ang labi ay narekober sa mababaw na hukay na itinurn-over sa Hinabangan Municipal Police Station para sa dokumentasyon, forensic examination, at tamang disposisyon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here