Home ENTERTAINMENT Nadine at jowa, may negosyong plant-based milk!

Nadine at jowa, may negosyong plant-based milk!

283
0

Manila, Philippines- In place na ang ikatlong business venture na pinasok ng magkasintahang Nadine Lustre at Christophe Bariou.

The product carries the name Dehusk.

Para sa kaalaman ng lahat, ang Dehusk ay isang non-dairy milk.

By non-dairy, hindi baka o kalabaw ang source nito as it is plant-based.

Made from coconuts–na number 1 na ine-export ng ating bansa–locally sourced and produced ang raw ingredients nito.

Tinawag ni Nadine na “alternative” ito ng nakasanayan na nating dairy milk, pero laking ginhawa ito sa mga lactose-intolerant consumers.

Malaking tulong din ito para sa mga lokal nating coconut farmers na pinapatawan ng malaking buwis sa pag-e-export ng niyog.

Kuwento ni Nadine, noong isang taon daw ay kumakausap na ang kanyang Filipino-French ng ilang tao sa kagustuhan nitong lumikha ng plant-based milk.

Nagkataong nagkakapareho raw ang ideya ni Christophe sa grupo ng mga gusto ring mag-invest nito.

Makikita sa Instagram ang larawan ni Nadine while sipping a tetrapack of Dehusk.

Matagal na ring isinusulong ng Viva artist ang pag-iwas sa pagkain ng animal food mula sa manok, baboy at baka.

Certified vegan na ngayon si Nadine. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here