MANILA, Philippines – Swak sa kulungan ang isang 22-anyos na binatilyo makaraan ang Isang entrapment operasyon kaugnay sa illegal na nagbebenta ng fully verified e-wallet account at rehistradong sim card sa Bacoor City, Cavite.
Nahaharap ang suspek na si alyas ‘Joshua’, 22-anyos mula Bacoor sa kasong paglabag sa Sec 5 (d) ng RA. 12010 o “Anti-Financial Account Scamming Act (AFASA)” at Sec 7 (Subsequent sale of Registered SIM Card) RA No. 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act in Relation to Sec. 6 at RA No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).
Ayon sa report, nag-ugat ang operasyon bunsod sa ulat ng natatanggap ng Regional Anti-Cybercrime Unit 4-A at Bacoor Component City Police Station bunsod sa illegal na pagbebenta ng fully verified e-wallet account at rehistradong sim card
Napag-alaman na nitong February 4, nag-post sa kanyang Facebook account ang suspek at nag-aalok ng G Cash account na may sim card.
Bandang alas-12:57 kamakalawa ng hapon ikinasa ang entrapment ng Cyber-Patroller laban sa suspek na magkita sa harapan ng Citi Homes Subdivision Barangay Molino IV, Bacoor City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Narekober sa suspek ang isang Globe sim card na may numerong 09771283064, isang Intel Infinix Smart 9 na cellphone at buy bust money. Margie Bautista