TACLOBAN CITY — Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay at isang armamento ang nasamsam sa isang sagupaan sa Barangay Santo Niño, Paranas, Samar noong Miyerkules, Pebrero 5.
Nagsagawa ng operasyon ang mga tropa matapos mag-ulat ang mga residente tungkol sa isang grupo ng armadong kalalakihan na nagsasagawa ng extortion activities sa lugar. Nagsimula ang unang engkwentro bandang 5 a.m. nang makasagupa ng 33rd Special Forces Company ang mga miyembro ng Yakal Platoon ng Eastern Visayas Regional Party Committee.
Tumakas ang mga rebelde, ngunit tatlong oras pagkatapos, bandang 8 a.m., muling nakasagupa ng mga tropa mula sa 87th Infantry Battalion ang mga rebelde, na nagresulta sa isang tatlong minutong sagupaan. Napatay ang dalawang rebelde, at nakuha ang isang M16 rifle, caliber .45 na pistola, dalawang anti-personnel mines, rifle grenade, mga magazines, at mga bala.
Nagpahayag ng pakikiramay si Brig. Gen. Lenart Lelina, commander ng 801st Infantry Brigade, sa mga pamilya ng napatay na mga rebelde at hinikayat ang mga kasamahan nito na sumuko at tanggapin ang mga programa ng gobyerno para sa reintegration at mas mapayapa at maunlad na hinaharap. RNT