
ANG paglaban sa pekeng Person with Disability (PWD) at senior citizen ID ay nangangailangan ng sama-samang aksyon mula sa gobyerno, pribadong sektor, at mamamayan. Kapag naisakatuparan ang mga repormang ito, masisiguro natin na ang mga benepisyong nararapat sa mga tunay na nangangailangan ay mapoprotektahan at hindi masasayang sa mga mapagsamantala.
Ang integridad ng ating mga social welfare programs ay dapat pangalagaan upang mapanatili ang tiwala ng publiko at ang tunay na diwa ng malasakit sa ating lipunan.
Upang mapigil ito, kailangang ipatupad ang mas mahigpit at sistematikong mga hakbang.
1. Higpitan ang Proseso ng Pag-isyu ng PWD at Senior Citizen ID sa pamamagitan ng:
Gawing mas mahigpit ang beripikasyon sa pagkuha ng PWD ID sa pamamagitan ng masusing medikal na pagsusuri mula sa mga lisensyadong doktor ng pamahalaan.
Ipatupad ang digitalization ng mga senior citizen ID upang maiwasan ang mga peke at gawing mas madali ang beripikasyon ng mga ahensya
Pagkakaroon ng isang pambansang database para sa PWD at senior citizens ang kailangang likhain upang madaling ma-verify kung tunay o peke ang isang ID.
2. Magpatupad ng Mas Mabibigat na Parusa, katulad ng:
Higpitan ang parusa laban sa mga nagpapagawa at gumagamit ng pekeng ID sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas mataas na multa o pagkakakulong.
Kasuhan ang mga nasa loob ng sistema na nagpapadali ng pagkuha ng pekeng ID, kabilang ang mga tiwaling opisyal sa lokal na pamahalaan o ahensyang nag-iisyu ng ID.
Ipatupad ang blacklisting sa mga indibidwal na mahuhuling gumagamit ng pekeng ID upang hindi na sila muling makakuha ng anumang benepisyo.
3. Palakasin ang Pagsusuri sa mga negosyo at Pampublikong institusyon:
Gawing mandatory ang QR code system para sa mga ID upang mapadali ang pag-verify ng mga establisimyento.
Turuan ang mga negosyo at establisimyento kung paano suriin at beripikahin ang mga ID upang hindi sila maloko ng pekeng PWD o senior citizen.
Maglagay ng hotline o complaint desk upang mapadali ang pag-report ng mga pekeng ID users.
4. Palakasin ang Kamalayan at Kampanya Kontra Pekeng ID:
Magsagawa ng malawakang information drive tungkol sa epekto ng paggamit ng pekeng PWD at senior citizen ID, lalo na sa social media at mass media.
Himukin ang publiko na maging mapanuri at i-report ang mga taong mapanlinlang upang mabawasan ang paglaganap ng mga pekeng ID.
Magtatag ng community monitoring groups na magbabantay at mag-uulat ng mga pekeng ID sa kani-kanilang lokalidad.