BATANGAS – Nagpahayag ng pagdududa ang ilang residente bunsod ng kwestyunableng resulta ng survey ng isang survey company.
Nakasaad kasi sa survey ng One Research Philippines Inc. (ORPI), na malaki umano ang lamang ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas para sa pagka-bise gobernador.
Pero lumilitaw na walang kahit anong detalyeng makikita sa internet tungkol sa ORPI bukod sa Facebook page nito na ginawa lang noong Enero 18.
Samantala, hindi naman mabuksan ang kanilang website na http://www.oneresearchphinc.com/.
Malayong malayo ito sa ibang survey firms gaya ng Social Weather Stations, Pulse Asia, Publicus, at RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na may legit na website at mga lehitimong opisyal.
Kaduda-duda rin na ang mga balita tungkol sa ORPI ay mga survey na isinagawa raw nito ukol sa local na eleksiyon sa CALABARZON area, lalo na sa Batangas. RNT