MANILA, Philippines – Nakapagsampa na ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) laban sa mga nagpakalat ng pekeng “polvoron video” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ang kinumpirma ni NBI Director Jaime Santiago kasunod ng naging pahayag ng Malacanang na ipauubaya na nila sa Department of Justice at NBI ang pagsasampa ng reklamo laban sa nagpakalat ng naturang video.
“We have already filed the case regarding that matter –malaman niyo kapag lumabas na yung resolution –we have already filed the case,” pahayag ni Santiago.
Matatandaang ibinunyag ng isang resource speaker sa Tri-Comm hearing ng Kamara na si Atty. Harry Roque ang nasa likod ng pagpapakalat ng nasabing video.
Sinabi ni Santiago na ginamit itong anggulo bilang ebidensya kaugnay ng mga naibunyag sa Tri-Comm hearing. Jocelyn Tabangcura-Domenden