Home NATIONWIDE NAIA muling binatikos ni Poe sa tambak ng bagahe sa Terminal 3

NAIA muling binatikos ni Poe sa tambak ng bagahe sa Terminal 3

MANILA, Philippines – Matinding binatikos ni Senador Grace Poe ang panibagong kapalpakan ng management ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos mabulgar ang tambak na bagahe sa Terminal 3.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na hindi katanggap-tangap ang daang-daang bagahe ang nakatambak sa warehouse nito sanhi ng technical glitch.

“Masamang pangyayari ang naantalang paglipad; pero nakakadismaya din ang hindi mahusay na pamamahala o pagkaantala sa pagpapalabas ng bagahe,” ayon kay Poe, chairman ng Senate committee on finance.

Sinabi ni Poe na masyadong matagal ang isang linggo upang hindi malutas o magawan ng paraan ang problema sa baggahe handling system.

“Sinuman ang responsible dapat tugunan ang bagay na ito nang mabilisan dahil mahahalagang gamit ang natatambak sa paliparan ng mga pasahero,” ayon kay Poe.

Muling nag-viral sa social media ang ilang warehouse na may nakatambak na bagahe na hindi naipapamahagi sa pasahero sa kabila ng matagal ang nakalapag ang kani-kanilang eroplano.

Isinisisi ng management ng NAIA sa technical glitch ang pangyayari na dapat sana, ayon sa ilang netizen, nagawan kaagad ng pamamaraan upang maipahagi ang bagahe sa mas lalong madaling panahon.

“Nagbayad ang pasahero para sa check-in bags na ipinaiiral ng airline compoy. Kailangan silang bigyang refund o higit pa sa problemang idinulot ng pagkaantala sa pamamahagi ng bagahe,” ayon kay Poe.

Aniya, dapat matagal nang naisaayos ang isyung teknikal nang simulant ang rehablitasyon ng NAIA na nakopo ng San Miguel Corporation.

“While at it, the airport management and the airline owe it to the affected passengers to be helpful and show they are not sitting on the problem,” giit ni Poe. Ernie Reyes