MANILA, Philippines- Gusto ng ilang senador na patulungan sa gobyerno ang lahat ng overseas Filipino workers (OFWs) na nakulong sa ibang bansa sanhi ng ilang krimen at maibalik sa Pilipinas sa pagsisilbi ng kanilang sentensiya.
Ganito ang panawagan ng ilang senador sa pangunguna ni Senate President Francis “Chiz” Escudero matapos makabalik sa bansa si Mary Jane Veloso sa Pilipinas matapos ang makulong ng 15 taon sanhi ng drug trafficking.
Sa panayam, sinabi ni Escudero na pangunahing tungkulin ng Department of Migrant Workers (DMW) kabilang ang lahat ng embahada at konsultado sa abroad na ipadama sa OFWs ang gobyerno upang protektahan sila at bigyan ng kaukulang tulong na kailangan nila.
“Let this also be a wake-up call for all of us to focus on the plight of similarly situated Filipinos… We should, therefore, ask the DFA – as I am now asking them – to inventory and make an accounting of Filipinos who are incarcerated in a foreign country… the nature of the cases against them. What has or can be done to help them regain their liberty,” ayon kay Escudero.
“How we can assist to make their detention, in the meantime, more bearable. To check with their families here if they are alright and how we can help them visit and see their loved one deprived of their liberty abroad,” dagdag niya.
Gusto rin ni Escudero na lumikha ng “prisoner swap” para sa pagsisilbi ng sentensiya na convicted Filipinos sa abroad, dito sa bansa.
Ayon sa ilang senador, kailangan ang isang tratado sa ibang bansa upang payagan ang paglilipat ng mga Pilipino na nagsisilbi ng sentensya sa ibang bansa.
Kasabay nito, nanawagan din si Senador Joel Villanueva sa DFA at DMW na patuloy na i-monitor ang kaso ng mga Pilipino na nakakulong sa ibang bansa at tiyakin na makatatanggap sila ng kaukulang tulong mula sa gobyerno.
Aabot sa 49 Pilipino ang nakapila ngayon sa death row sa iba’t ibang bansa.
“This could also pave the way for our concerned government agencies to explore legal and diplomatic options, including possible commutation of sentence and allowing them to serve their sentence in the Philippines,” aniya. Ernie Reyes