MANILA, Philippines – Ipinaliwanag ng isang Navy official nitong Miyerkules na ang namataang dalawang Chinese research vessel na iniulat na nakita malapit sa silangang baybayin ng Luzon ay maaaring nandoon para umiwas sa mga bagyo.
Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Navy (PN) para sa West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, na binabantayan nila ang mga barkong natunton dalawang araw na ang nakalipas.
“I would say that they could probably evading the typhoon, so general direction would show that they are southward, southbound, so umiiwas sila sa masamang panahon,” sinabi nito sa mga reporter.
Kinumpirma ni Trinidad na namataan sa layong “350 nm (nautical miles) sa timog ng Phil Rise at 120 nm silangan ng Catuandanes” ang dalawang research vessel.
Ang mga naunang ulat ay nagsabing ang mga barko ay pumasok sa eksklusibong economic zone ng Pilipinas sa labas ng silangang seaboard ng gabi ng Nob. 4.
Sinabi ni Trinidad na walang dapat ikaalarma sa insidente dahil ito ay katulad ng nakitang dalawang bangkang pangisda malapit sa silangang baybayin ng bansa sa lalawigan ng Aurora pagkatapos ng bagyo noong nakaraang linggo.
Aniya, ang mga sasakyang pandagat ay nagmula sa mainland China.
“We have a track of those ships. But again, if you analyze the weather in the region, it would show that these ships were most likely evading the weather disturbance,” dagdag pa niya.
Samantala, sinabi rin ni Trinidad na hindi uubra ang alyansa ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) para sa mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) dahil sa magkakaibang pananaw.
Nauna rito, sinabi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi posible ang “NATO-type ASEAN” dahil sa mga dichotomies at divergences sa mga bansang ito. (Santi Celario)