Home METRO Nanay, 3-anyos na nakatira sa tolda, dedo sa insecticide

Nanay, 3-anyos na nakatira sa tolda, dedo sa insecticide

Natagpuang patay ang isang babae at ang kanyang tatlong taong gulang na anak sa San Fernando, Cebu, matapos umanong malason ng insecticide.

Base sa ulat, natagpuan ang ina sa loob ng isang tolda sa Barangay Balud, habang ang kanyang anak ay nakapatong sa kanyang likod.

Isinugod pa ang mga bata sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, isang sachet ng insecticide ang nakita malapit sa tolda, kaya’t hinalang pagkalason ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Iminungkahi sa pamilya ng mga biktima ang autopsy upang matukoy ang tunay na dahilan ng kanilang pagkamatay.

Samantala, inimbitahan ng pulisya ang dating live-in partner ng babae para sa imbestigasyon, matapos matuklasang napilitang manirahan ang mag-ina sa tolda dahil sa panggugulo ng lalaki sa kanilang kinupkop na pamilya. RNT