Home NATIONWIDE Nancy Binay tatakbong mayor ng Makati sa 2025

Nancy Binay tatakbong mayor ng Makati sa 2025

MANILA, Philippiens – Ikinokonsidera ni Senador Nancy Binay na tumakbong mayor ng Lungsod ng Makati sa 2025 national and local elections, na may posibilidad na kumalaban sa kanyang bayaw na nakatakda din na pumalaot bilang chief executive ng lugar.

“At the moment…’yung future plans, ang trajectory niya talagang papunta sa Makati. Siguro ngayon, baka 70-30 kasi siyempre nga palapit na nang palapit,” ayon kay Binay sa interview ng reporters.

Lumulutang na nakatakdang tumakbong mayor si Makati Representative Luis Campos—kasal sa nakababatang kapapit ng senador, si incumbent Makati City Mayor Abby Binay—kaya’t inihayag ng mambabatas na nakatakda silang mag-usap hinggi sa political plans ng pamilya sa 2025.

“Sa pronouncements niya, mukhang nagbitaw na siya ng salita na mukhang tatakbo siya ng mayor. Para sa akin, dapat always open ‘yung pinto para mag-usap kami kasi at the end of the day, ‘di ba, magpapamilya kami,” aniya.

“Lalong-lalo na ako ang panganay, ako ang ate, dapat ‘yung effort na magkaayos-ayos na walang-laban dun sa pamilya ay yun pa rin ang goal natin sa 2025 elections…pamilya pa rin siya kahit asawa lang siya ng kapatid ko,” dagdag ng senador.

Sa ngayon, ayon kay Binay, na walang pagkilos sa magkabilang kampo na pag-usapan ang isyu.

Kahit ano pang kanilang pagkakabuklod, sinabi ni Binay na pangunahing konsiderasyon nito ang ipagpatuloy ang legasiya ng amang si dating vice president Jejomar Binay, na nagsilbing Makati City mayor ng ilang termino.

“At the end of the day, legacy ng ama ko ang kailangan naming i-continue. Kung anong serbisyong Binay na naumpisahan ng akin ama, ‘yun ang kailangan na mapagpapatuloy. Kailangan ma-resolve sino sa aming dalawa ‘yung mas makakapagpatuloy nu’ng ganong klaseng serbisyo,” aniya

“Pag talagang sinabi ko na tatakbo ako, na-input na ‘yon na malungkot man, pero at the end of the day, kailangan what will be good for Makati ang consideration. Kung kailangan na i-sacrifice yung in-law relationship para dun sa mga kababayan ko sa Makati, we have to sacrifice that,” dagdag ng senadora.

Inihayag pa ni Binay na maaaring tumakbo si Campos bilang kinatawan ng isang distrito sa Taguig City na kasalukuyan nitong kinakatawan sa Kongreso matapos magdesisyon ang Supreme Court pabor sa katabing lungsod ng Makati.

Aniya, mahihirapan ang kanilang supporter na mamili sa pagitan ng dalawang kandidato na galing sa iisang pamilya.

Pero, hindi nawawalan ng pag-asa ang senadora na makakahanap ng nagkakaisang desisyon ang pamilya kung sino ang tatakbong mayor ng lungsod sa susunod na halalan.

“Away pamilya pa din ‘yun kaya sa akin, ayoko mawalan ng pag-asa na hindi mangyayari na magkakaroon ulit ng ganun gulo sa pamilya,” aniya. Ernie Reyes