Home METRO Marikina naghahanda na sa La Niña

Marikina naghahanda na sa La Niña

MANILA, Philippines – Nagsimula nang maghanda ang lokal na pamahalaan ng Marikina para sa paparating na La Nina.

Nagpapatuloy na ang dredging operations sa Marikina River, na matatandaang umapaw sa pananalasa ng Bagyong Ondoy noong 2009.

Mula sa 70 metro, pinalawak ang ilog sa 100 metro. Pinalalim din ito mula 15 metro sa 20 metro.

Dahil dito, sa tulong ng water pump at mga isinaayos na drainage, hindi nakaranas ng matinding pagbaha ang lungsod sa nakalipas na apat na taon.

“Maiiwasan na ‘yung scouring o ‘yung pagguho ng gilid ng ilog.”

Batay sa forecast ng PAGASA, inaasahang magsisimula ang La Nina phenomenon sa pagitan ng Hunyo at Agosto. Taglay nito ang above-normal rainfal conditions na eepekto sa huling bahagi ng taon.

Hinimok ng PAGASA na paghandaan na ang La Nina, partikular na sa mga lugar na prone sa baha. RNT/JGC