MALAKAS pa rin ang mga balita na patuloy na kumikilos ang mga may binabalak kahit malayo pa ang halalan sa kabila ng mga maiingat na operasyon ng pamahalaan.
Mas nakababahala ang alegasyon na may ilang pangkat umanong may malakas na impluwensya kaya tila hirap silang mapigil. Kung totoo ito, hindi sapat ang simpleng babala—kailangan ng mas mahigpit na imbestigasyon, tuloy-tuloy na operasyon at pananagutan sa mga nasa likod ng illegal recruitment.
Lalong dapat maging mapagmatyag ang bawat ahensya ng gobyerno kagaya Department of Foreign Affair at Department of Migrant Workers, lalo na ngayong maraming overseas Filipino workers ang umuuwi para magbakasyon at maaaring targetin ng mga recruiter na nag-aalok ng trabaho sa abroad.
Hindi dapat manaig ang impluwensya ng mga may may masamang balak na indibidwal sindikato laban sa batas. Kapag OFWs ang ginamit ng mga masasamang grupo, buhay at kinabukasan ang nakataya—kaya dapat silang habulin, hindi palampasin.
“Gobyernong ang sinisisi dahil sa puro nito pangako, paliwanag at palusot—pero kapag hinanap ang katotohanan, tila laging may bagong dahilan. Ang mamamayan ay hindi bulag. Nakikita nila ang pagitan ng sinasabi ng gobyerno at ng tunay na nangyayari sa kanilang buhay.”
Ibig sabihin ay sa darating na halalan, nasa kamay ng mamamayan ang pagkakataong pumili at huwag hayaang maulit ang mga maling pamamalakad, maaari itong maging daan upang tayong mga Pilipino ang maging kawawa.
“Sa darating na halalan, nasa kamay ng mamamayan ang tunay na kapangyarihan. Ito ang pagkakataong pumili ng mga lider na karapat-dapat pagkatiwalaan—hindi dahil sa pera, pangalan o makapangyarihang koneksyon, kundi dahil sa kanilang integridad, kakayahan at malasakit sa bayan. Sa balota, may pagkakataong baguhin ng mamamayan ang kinabukasan ng bansa.”
Ang DM, lalo na ngayong maraming OFW ang umuwi para magbakasyon at maaaring samantalahin ng mga recruiter na nag-aalok ng trabaho sa abroad ang pagkakataon, ay dapat kumilos upang hindi mabiktima ang mga kababayan nating itinuturing na mga makabagong bayani.






