Home NATIONWIDE Nasa 400 ALS learners nakakuha ng micro-certificates mula sa DepEd

Nasa 400 ALS learners nakakuha ng micro-certificates mula sa DepEd

331
0

MANILA, Philippines – Nasa 400 mag-aaral mula sa Alternative Learning System (ALS) ang ginawaran ng micro-certificates sa ilalim ng pioneer Micro-Certification Program ng Department of Education (DepEd), katuwang ang UNICEF Philippines.

Ayon sa DepEd, layon ng programa na kilalanin ang mga life skills ng ALS learners sa pamamagitan ng micro-certification, kabilang ang komunikasyon, pamumuno, pagtutulungan, at problem-solving.

Batay ito sa Alternative Learning System Act at sa Philippine Qualifications Framework (PQF) na nagbibigay ng pormal na kredensyal para sa mga pangunahing kasanayan ng mga out-of-school youth at adult learners.

“By providing formal credentials for these essential skills, DepEd seeks to strengthen learners’ pathways toward further education, employment, and lifelong learning,” ayon sa ahensya.

Para kay Education Secretary Sonny Angara, patunay ang 400 completers ng kanilang dedikasyon sa patuloy na pagkatuto.

“Sa ating mga micro-certification completers, kayo po ang pruweba na hindi kailangang mabilis ang pagkuha ng life goals. It can come in steps, in modules, in micro-wins that eventually build a life of purpose and pride,” ani Angara.

“Because in ALS, we don’t just measure success by how high you’ve climbed, but by how far you’ve come. And today, each of you has reached a summit worth celebrating,” dagdag pa niya.

Ipinahayag ng DepEd na matagumpay na naipilot ang programa sa walo (8) Schools Division Offices sa Maynila, Aurora, Batangas, Iriga, Lapu-Lapu, Misamis Oriental, Davao City, at South Cotabato, na nakapagbigay na ng kabuuang 2,854 micro-certificates sa mga ALS learners.

Batay sa pag-aaral ng DepEd, UNICEF, at Australian Council for Educational Research mula 2022 hanggang 2025, maaasahan ang sistema ng pagtatasa ng life skills sa pamamagitan ng micro-certification.

Dagdag ni Angara, target ng DepEd na palawakin pa ang certification tools upang lalo pang mapahusay ang implementasyon ng ALS program sa bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here