Home NATIONWIDE National Bullying Awareness and Prevention Month tuwing Setyembre, oks sa Kamara

National Bullying Awareness and Prevention Month tuwing Setyembre, oks sa Kamara

1
0

MANILA, Philippines — Inaprubahan ng House of Representatives sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang nagdedeklara sa Setyembre ng bawat taon bilang National Bullying Awareness and Prevention Month.

Nakakuha ang House Bill No. 10134 ng 245 affirmative votes, habang walang bumoto kontra o nag-abstain.

Layunin ng panukala na palakasin ang kamalayan laban sa bullying at isulong ang mas ligtas na kapaligiran para sa mga kabataan, partikular sa mga paaralan.

Kapag naging batas, aatasan ang Department of Education (DepEd), katuwang ang National Youth Commission (NYC) at Council for the Welfare of Children (CWC), na bumuo ng taunang programa at mga aktibidad para sa paggunita ng National Bullying Awareness and Prevention Month.

Batay sa opisyal na tala ng Kamara, inihain ang HB 10134 noong Hulyo 21 at pangunahing isinangguni sa Committee on Basic Education and Culture. Inaprubahan ito sa ikalawang pagbasa noong Agosto 11.

Kabilang sa mga principal author ng panukala sina Reps. Iris Marie De Mesa Montes, Ma. Victoria Co-Pilar, Giselle Mary Maceda at Roman Romulo.

Kailangan pang dumaan ang panukala sa kaukulang proseso sa Senado bago ito maaaring maipadala sa Pangulo para sa lagda at maging ganap na batas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here