Home NATIONWIDE National Cybersecurity Agency pinalilikha sa lumalalang banta ng cyberattacks

National Cybersecurity Agency pinalilikha sa lumalalang banta ng cyberattacks

13
0

MANILA, Philippines – Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na nakatuon sa pagtatatag ng National Cybersecurity Agency (NCSA) na naglalayong palakasin ang depensa ng bansa laban sa lumalalang banta ng cyberattacks.

Ang House Bill 9605 ay inakda nina Camarines Sur Rep. Miguel Luis Villafuerte at FPJ Panday Bayanihan Party-list Rep. Brian Poe.

Sa oras na maibatas, ang NCSA ang syang magiging pangunahing ahensya na mangunguna sa pagpapatupad ng cybersecurity poiicies at magbibigay proteksyon sa mga critical information infrastracture ng bansa.

Iginiit ni Villafuerte na hindi na lamang usapin ng information technology ang cybersecurity kundi isa nang usapin ng pambansang seguridad, dahil nakasalalay na sa digital systems ang mahahalagang serbisyo gaya ng pananalapi, kalusugan, transportasyon, enerhiya, at mga serbisyo ng pamahalaan.

“Ang tanong ngayon ay hindi na kung magkakaroon pa ba tayo ng malaking cyberattack. Ang tanong ay kung handa ba ang ating bansa kapag ito ay dumating,” ani Villafuerte.

Samantala, binigyang-diin ni Poe ang sunod-sunod na cyberattacks na tumama sa Kongreso, kabilang ang pag-deface sa website ng House of Representatives noong 2023 at ang magkahiwalay na pag-atake sa mga website ng Senado at Kamara noong Hunyo 2026.

“cybercrime is no longer an isolated or occassional threat. It has become organized, industrialized and increasingly sophisticated,” ani Poe.

Ayon kay Poe, kailangan ng Pilipinas ng isang pinag-isang cybersecurity strategy, sentral na koordinasyon, at mas matatag na proteksyon sa kritikal na imprastrakturang digital bago pa magkaroon ng cyberattack na maaaring makaapekto sa mahahalagang serbisyo publiko at pambansang seguridad. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here