MANILA, Philippines – MULING inorganisa at inayos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Security Council (NSC) upang tiyakin ang katatagan nito bilang isang institusyon na nahaharap sa nag-eebolusyon na ‘domestic at international’ na mga hamon at oportunidad.
Muling inorganisa ng Pangulo ang NSC sa pamamagitan ng pagpapalabas ng Executive Order 81 na tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Disyembre 30, 2024.
Ang NSC sa ngayon ay bubuuin ng Pangulo bilang Chairperson nito; Senate President; Speaker of the House of Representatives; Senate President Pro-Tempore; tatlong Deputy Speakers naman ang itatalaga ng Speaker of the House; Majority Floor Leader ng Senado; Majority Floor Leader ng Kongreso; Minority Floor Leader ng Senado; Minority Floor Leader ng Kongreso; mga Chairperson ng Senate Committee on Foreign Relations, Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation, at Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, bilang mga miyembro.
Magiging bahagi rin ng council ang mga Chairperson ng House Committee on Foreign Affairs, House Committee on National Defense and Security, House Committee on Public Order and Safety; Executive Secretary; National Security Adviser; mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs, Department of Justice, Department of National Defense, Department of the Interior and Local Government, Department of Labor and Employment, Presidential Communications Office; Chief Presidential Legal Counsel; pinuno ng Presidential Legislative Liaison Office; at iba pang opisyal ng gobyerno at private citizens na itatalaga ng Pangulo.
Ang Director-General ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Hepe ng Philippine National Police (PNP), at Director ng National Bureau of Investigation (NBI) ay dapat na dumalo sa mga pagpulong ng council kung kinakailangan upang payuhan at tumulong sa mga deliberasyon nito.
Maaari rin na imbitahan ang Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para magpartisipa sa NSC.
Para naman sa Executive Committee ng NSC, ito ay bubuuin ngayon ng Pangulo bilang Chairperson, habang ang mga miyembro ay bubuuin naman ng Executive Secretary; Senate President o kanyang kinatawan; Speaker of the House of Representatives o kanyang kinatawan; National Security Adviser; mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs, Department of Justice, Department of National Defense, Department of the Interior and Local Government; at iba pang mga miyembro o mga adviser na itatalaga ng Pangulo.
Ang NSC ay ang pangunahing advisory body na responsable sa koordinasyon at pagsasama-sama ng mga plano at polisiya na may kaugnayan sa o may implikasyon sa national security.
Sa mga nakalipas na kautusan, muling nabuo ang NSC upang mas mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng Ehekutibong Sangay ng pamahalaan at Lahislaturang Sangay ng gobyerno, sa pagbabalangkas at integrasyon ng mga polisiya na nakaaapekto sa national security. Kris Jose