MANILA, Philippines – Inilunsad ng Philippine Red Cross ang simultaneous nationwide clean up campaign upang hadlangan ang tumataas na kaso ng dengue sa bansa.
Ayon sa PRC, 500 sa mga tauhan nito at 5,000 boluntaryo sa 73 chapter at 200 komunidad ang pakikilusin para sa insiyatiba nitong Linis BEATs Dengue.
Ang naturang pagsisikap ay layon na mapuksa ang mga pinamumugaran ng lamok at masiguro ang pinagsama-samang pagsisikap sa pagtutulungan ng lokal na komunidad upang labanan ang banta ng dengue.
“Our Red Cross 143 volunteers and Red Cross Youth are actively doing their part—you should, too,” sinabi ni Gordon.
Bilang bahagi ng kanilang campaign kickoff activities noong Sabado, nakilahok ang mga kawani ng PRC at colunteers sa cleanup drive sa batasan Hills, Quezon City.
Nagsagawa rin ng cleanup drive nitong Linggo sa Barangay Bagbag sa Novaliches ang PRC Quezon City chapter sa koordinasyon ng lokal na opisyal sa lugar.
Halos 44 dengue cases ang naitala sa Barangay Bagbag ngayong taon, na nanguna sa may pinakamaraming bilang ng impeksyon sa QC District 5, ayon sa opisyal ng barangay.
Samantala, sisimulan din ng Department of Health ang kanilang sariling anti-dengue campaign na tinawag na “Alas Kwatro, Kontra Mosquito!” ngayong Lunes, Pebrero 24 bilang bahagi ng pinaigting na pag-iwas at pagkontrol laban sa virus sa lahat ng buong goverment offices nationwide.
Ang kickoff event ay naglalayong pakilusin ang mga komunidad sa pag-aalis ng mga pinagmumulan ng lamok at pagpigil sa pagkalat ng dengue.
Nitong Linggo rin, muling iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nag-aalok ito ng mga benefit package para sa mga pasyenteng tinamaan ng dengue, na-admit man sila sa ospital o hindi.
Iniulat ng DOH noong Biyernes ang isang “pagbagal” sa mga kaso ng dengue na naitala sa nakalipas na apat na linggo sa buong bansa.
Karamihan sa mga kaso ng dengue ay natagpuan sa tatlong rehiyon na bumubuo ng higit sa kalahati ng mga kaso sa buong bansa: Calabarzon (9,113), National Capital Region (7,551), at Central Luzon (7,36). Jocelyn Tabangcura-Domenden