MANILA, Philippines – Ikinasa ng MMDA ang pagsasagawa ng First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) araw ng Marso 13.
Kaugnay nito Nnaglatag na ang MMDA Public Safety Division ng evacuation plan at nagtalaga ng marshalls para umasiste sa mga kawani na lumahok sa drill.
Bahagi ng mandatong magbigay kaligtasan ng publiko, suportado ng MMDA ang #CivilDefensePH sa mga ganitong aktibidad na may layuning pag-ibayuhin ang kaalaman ng publiko sa paghahanda sa mga sakuna tulad ng lindol.
Hinihikayat ang lahat ng kawani ng MMDA na mag-“duck, cover, and hold” sa pagtunog ng warning bell, hudyat ng pagsisimula ng drill, sa ganap na alas-tres hapon ng Huwebes. Dave Baluyot