Nagbigay-babala ang ating PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa posibilidad na maranasan natin ang kahalintulad na pangyayari sakaling tumama ang kinatatakutan nating “The Big One” sa paggalaw ng Marikina Valley Fault na sa tantiya ng mga siyentipiko ay hinog na sa paggalaw.
Para sa ikalawang bahagi ng taong 2024, muling naghahanda ang OCD o ang Office of the Civil Defense sa isasagawa nitong Nationwide Simultaneous Earthquake Drill na magaganap ngayong June 28, 2024, ganap na ikalawa ng hapon. Bahagi ito ng paghahanda para sa inaasahang pagtama ng “The Big One” sa Kamaynilaan.
Sa hudyat ng pagsisimula ng drill, inaasahan ang publiko na magsagawa ng “Duck, Cover and Hold” sa kanilang kinaroroonan.
Pagtutuunan ng pansin ng OCD at ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang implementasyon ng Harmonized National Contingency Plan kung saan inaasahan ang paglalagay ng mga alternatibong emergency operation centers sa mga strategic area.
Bagama’t malaking tulong ang pagkakaroon ng mga earthquake drills, mas ipinapayo pa rin ng OCD ang pagkakaroon ng mga engineering solutions sa mga gusali na naaayon sa Building Code ng bansa.
Kailangang manatiling payapa, kung ikaw ay nasa loob ng isang matibay, maayos na gusali o bahay. Manatili na lamang sa loob nito.
Dumapa at Humawak, dumapa sa ilalim ng matibay na mesa at humawak dito, o protektahan ang ulo ng inyong mga kamay. Lumayo sa mga bintana na nababasag, cabinet, liban at iba pang mabibigat na bagay.
Kung ikaw ay nasa labas… Lumikas sa lugar na walang mga balakid, lumayo sa mga punong kahoy, poste ng kuryente, at mabibigat na istraktura. Umalis mula sa malapit sa bangin, mataas na umbok ng lupa na maaaring maging sanhi ng pagguho.
Seryosohin ang mga earthquake drills na isinasagawa sa inyong tanggapan o opisina dahil hindi biro ang nakikitang scenario ng mga eksperto sakaling gumalaw ang bitak ng Marikina.
Pero patuloy tayong manalangin na huwag na sana itong gumalaw pa at makapagdulot ng ibayong pinsala. Pero siyempre kinakailangan ang paghahanda.






