MANILA, Philippines – Bilang paghahanda para sa May 12, 2025 National and Local Elections at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections, nakatakdang magsagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng nationwide voter education roadshow bukas, Disyembre 2.
Kabilang sa roadshow ang live demonstrations ng
automated counting machine (ACM), na nagbibigay-daan sa mga botante na maging pamilyar ang mga ito sa bagong teknolohiya.
Sa social media post, inanunsyo ng poll body na magkakaroon ng oportunidad ang newly registered at old voters na maranasan ang paggamit ng ACM.
“The goal of the roadshow is to introduce the automated counting machine to Filipino voters, to ensure they understand how to properly use the machine, and to reinforce the importance of exercising their right and responsibility to vote,” sinabi ng Comelec.
Para sa listahan ng roadshow venues, hinimok ng Comelec ang publiko na bisitahin ang kanilang official Facebook page: