Home NATIONWIDE Nat’l ID contractor: Backlog mareremedyuhan sa loob ng 12 buwan kung..

Nat’l ID contractor: Backlog mareremedyuhan sa loob ng 12 buwan kung..

MANILA, Philippines- Sinabi ng AllCard Inc. (ACI), ang contractor sa pag-imprenta ng Philippine Identification System (PhilSys) o National ID cards, nitong weekend na kaya nitong masunod ang deadline nito, kahit na inihayag ng Central Bank na pumalya itong maisagawa ang nakasaad sa kontrata.

Ayon kay ACI president Roy Ebora, kayang burahin ng kompanya ang National ID backlog sa susunod na 12 buwan, sakaling bawiin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang desisyon nitong tapusin ang kontrata.

“AllCard was on track to meet its production goals until the discovery of some perceived defects, which we immediately brought to the attention of the BSP,” anang opisyal.

“We have the infrastructure, experience, and determination to fulfill our obligations and help the BSP and PSA provide these essential IDs to the Filipino people by 2025,” dagdag niya.

Kasunod ito ng desisyon ng BSP, may petsang Agosto 15, 2024, na tapusin ang kontrata nito sa ACI dahil umano sa pagpalyang magawa ang mga obligasyon sa ilalim ng kontrata.

Umapela naman ang ACI sa desisyon at inihirit ang komprehensibong pagbusisi sa performance nito sa ilalim ng kontrata, sa pagsasabing maaaring nag-ugat ang desisyon nito sa “erroneous information or reports.” RNT/SA