Home METRO Navotas pinarangalan sa good governance

Navotas pinarangalan sa good governance

MANILA, Philippines- Sa ikalawang pagkakataon, muling pinarangalan ang Navotas City para sa good governance at exemplary service mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Kabilang ang lungsod sa pitong local government unit (LGU) sa bansa na nagkamit ng Accelerating Reforms for Improved Service Efficiency (ARISE) Award mula sa ARTA.

Tinanggap nina Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Vice Mayor Tito Sanchez ang parangal mula kay Secretary Ernesto Perez at Undersecretary Gerald Divinagracia sa idinaos na 5th anniversary celebration ng ARTA sa The Manila Hotel. Jojo Rabulan

Previous articleTricycle sinuwag ng motorsiklo: 1 patay, 4 sugatan
Next articleBong Go: Maharlika Investment Fund, tiyaking ‘di makokorap