Home METRO Tricycle sinuwag ng motorsiklo: 1 patay, 4 sugatan

Tricycle sinuwag ng motorsiklo: 1 patay, 4 sugatan

ILOCOS NORTE- Patay ang isang pasahero habang apat na iba pa ang sugatan matapos na aksidenteng mabangga ng isang motorsiklo ang isang tricycle sa Brgy. 10 San Jose, Laoag City ng lalawigang ito kahapon, Mayo 31.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang pasaherong si Charito Rosqueta Valdez, 42, residente ng Brgy. 7 Caunayan, Batac City.

Si Valdez ay nakasakay sa tricycle na minamaneho ni Rudy Gappi Ortal, 63, residente ng Brgy. 13 Baay, Ilocos Norte. Kasama nito ang isa pang pasahero na 10-anyos.

Kinilala naman ang driver ng Honda Click 125 motorcycle na si Jesther Ramos Patoc, 24, walang asawa, at ang backrider nito na si Mjay Ramos, 19, kapuwa residente ng Brgy. 32A La Paz, Laoag City.

Nangyari ang aksidente sa harap ng Provincial Capitol, kahabaan ng Rizal Street.

Ang tricycle na noo’y bumibiyahe patungong kanlurang direksyon ay nasa aktong magle-left turn papuntang Gilbert Bridge nang aksidenteng mabangga ng motorsiklo.

Agad na dinala sa ospital ang mga nakasakay ng motorsiklo at pati na rin ang mga nakasakay ng tricycle.

Gayunman, isa sa mga pasahero ng tricycle ang idineklarang dead on rrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso