Home METRO Nawawalang 15-anyos, natagpuang patay sa bakanteng lote sa CamSur

Nawawalang 15-anyos, natagpuang patay sa bakanteng lote sa CamSur

1
0

CAMARINES SUR — Patay na nang matagpuan ang isang 15-anyos na dalagita na ilang araw na iniulat na nawawala sa Goa, Camarines Sur.

Ayon sa pulisya, tatlong bata ang nakakita sa bangkay sa isang bakanteng lote sa Zone 3, Barangay Matacla dakong alas-10:15 ng umaga noong Agosto 21.

Nawawala ang dalagita mula pa noong Agosto 17.

Batay sa paunang forensic examination, posibleng sinakal ang biktima. Wala umanong nakitang ibang malinaw na sugat sa kanyang katawan o ulo.

Gayunman, nilinaw ng mga awtoridad na hindi pa pinal ang sanhi ng pagkamatay at kailangan itong kumpirmahin sa pamamagitan ng awtopsiya.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang mga pangyayari bago namatay ang dalagita at kung may taong may pananagutan sa insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here