Home NATIONWIDE NBI blangko pa sa ICC warrant vs Sen. Go

NBI blangko pa sa ICC warrant vs Sen. Go

3
0

MANILA, Philippines – Wala pang natatanggap na anumang opisyal na komunikasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Christopher “Bong” Go at dalawang dating opisyal ng pulisya.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, wala pa silang natatanggap na abiso hinggil sa sinasabing warrant.

“Wala pa po. Wala po kaming nare-receive pa. Walang communication ng warrant. Hindi ko po alam kung saan nangagaling si Congressman Pulong Duterte kung anong warrant po sinasabi niya,” ani Matibag sa panayam ng Super Radyo dzBB.

“Pero officially, wala pa pong communication sa amin, sa NBI po,” dagdag niya.

Nagbigay ng pahayag si Matibag matapos sabihin ni Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte na ayon sa isang “highly reliable source,” nagpalabas na umano ng arrest warrant ang ICC laban kay Go at dalawang dating opisyal ng pulisya.

Nauna nang itinanggi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) na nakatanggap sila ng anumang impormasyon hinggil sa naturang mga warrant.

Samantala, sinabi ni Matibag na nagpapatuloy ang operasyon ng NBI upang matunton si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, na nahaharap din sa warrant mula sa ICC.

“Meron naman po kaming mga malilinaw po na leads na sinusundan. ‘Yun lamang po admittedly naman medyo talagang mahirap ‘yung operation na paggawa namin sapagkat alam natin na dati siyang galing sa law enforcement at malawak ang kanyang network na sinasabi,” aniya.

“Pero eventually alam po namin na matutunton din namin,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Matibag na naniniwala ang NBI na nasa Pilipinas pa rin si Dela Rosa. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here