Home HOME BANNER STORY NCAP magpapatuloy sa kabila ng pagpapaliban sa EDSA rebuild – DOTR

NCAP magpapatuloy sa kabila ng pagpapaliban sa EDSA rebuild – DOTR

258
0

MANILA, Philippines – Mananatili ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa kabila ng pagpapaliban ng EDSA rehabilitation, sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon nitong Lunes, Hunyo 2.

“I think so, I think so. I think NCAP will stay because NCAP is not just about EDSA. It’s about enforcing— a more efficient way of enforcing our traffic rules,” sinabi ni Dizon sa isang press briefing.

Nitong weekend, inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapaliban ng rehabilitasyon na magsisimula sana sa Hunyo 13.

Ani Marcos, kailangan pang pag-aralan ng isang buwan ang proyekto upang malaman kung may mga bagong teknolohiya na magagamit upang mapabilis ang rehabilitasyon ng EDSA.

“I want to do this faster, ‘yun ang sinabi po ng pangulo. Gusto niyang mas mabilis. Ang sabi nga niya kung kayang anim na buwan lang,” sinabi ni Dizon. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here