Home NATIONWIDE P1M pabuya alok sa makapagtuturo sa mastermind sa pagpatay kay Mayor Ruma

P1M pabuya alok sa makapagtuturo sa mastermind sa pagpatay kay Mayor Ruma

276
0

RIZAL, Cagayan – Patuloy pa rin ang P1 milyong reward money ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para matukoy at mapanagot ang mastermind sa pagpaslang kay Rizal, Cagayan Mayor Joel Ruma.

Ito ang pahayag ni Gob. Manuel Mamba para makatulong upang makamit ang hustisya at katarungan sa pagpatay sa nabanggit na alkalde ng Rizal, Cagayan.

Matatandaang pinaslang si Mayor Joel Ruma habang nagsasagawa ng campaign rally sa Barangay Illuru Sur noong gabi ng Abril 23 taong kasalukuyan.

Isang tama ng bala ang tumapos sa buhay ng alkalde kung saan pinapaniwalaan ng pulisya na isang professional sniper ang tumira sa biktima.

Kaugnay rito, muling nanawagan si Gob. Mamba na bukod sa alok na pabuya ay handang protektahan ng mga otoridad at ng Tanggapan ng Gobernador ang sinumang makpagbibigay ng lehitimong impormasyon para matukoy ang salarin at utak sa pagpaslang kay Mayor Ruma.

Bukas ang tanggapan at ang linya ni Gob. Manuel Mamba para sa sinumang makakatulong para maresolba ang pagpatay sa naturang alkalde. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here