MANILA, Philippines – Plano ng Department of Transportation (DOTr) na maghain ng reklamo at ipasara ang isang online booking site na naniningil ng halos P40,000 para sa one-way plane ticket.
“I’ve asked the [Philippine National Police] to take it down, PNP Cybercrime to take down this website today,” ani Dizon sa isang press briefing.
“I have also asked, apart from the cease and desist order issued by the [Civil Aeronautics Board] last May 26, the CAB and the DOTr Aviation Group… to immediately file… a criminal economic sabotage case,” dagdag pa.
Ani Dizon, sinabihan siya ni Leyte Representative Richard Gomez na nakabili ito at ang kanyang asawa ng dalawang one-way ticket mula Tacloban patungong Manila sa halagang P77,704 sa pamamagitan ng AirAsia Move, isa umanong Malaysian-based travel platform.
Sa isa pang insidente, nabili rin ang dalawang one-way ticket sa halagang P50,000.
Sinabi ni Dizon, ang one-way ticket na nabili mula sa site ng ibang airline ay nagkakahalaga lamang ng P12,000.
“So, clearly, this is just absurd, no? And really bordering— well, not bordering, this is actually criminal. Criminal na itong ginagawa ng AirAsia Move na ito,” aniya.
“Sumagot po si AirAsia Move. Ang sinabi nila, okay, we will try our best… to comply pero hindi naman kami under sa inyo, eh. ‘Yun ang last paragraph nila,” sinabi ni Dizon.
“We respectfully submit [that] the CAB’s jurisdiction under RA 776 applies to air carriers, not foreign-based [online travel agencies],” dagdag niya.
Hindi katanggap-tanggap para sa opisyal ang naturang aksyon at nanawagan sa publiko na iwasang bumili ng ticket mula sa naturang online platform.
Samantala, nilinaw ni Dizon na walang kinalaman sa naturang platform ang airline na AirAsia.
“They’re affiliated but I don’t think AirAsia, in fairness to AirAsia Philippines, no, the airline… I don’t think they have anything to do with this,” sinabi ni Dizon.
Inatasan na nito ang CAB para imbestigahan ang naturang online platform. RNT/JGC