Home NATIONWIDE Pagpapaliban sa pagbasa ng impeachment articles vs VP Sara ipinagtanggol ni Escudero

Pagpapaliban sa pagbasa ng impeachment articles vs VP Sara ipinagtanggol ni Escudero

268
0

MANILA, Philippines – Idinipensa ni Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Lunes, Hunyo 2, ang desisyon nitong ipagpaliban ang pagbasa ng articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

“Walang mapapaboran nito, walang masasaktan… Ang nakuha lang namin dito ay mas mahabang panahon para magawa yung totoo talaga naming trabaho—ang magpasa ng makabuluhang batas,” sinabi ni Escudero sa isang pulong balitaan.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay inanunsyo ni Escudero na inilipat sa Hunyo 11 ang nakatakdang presentation ng prosecution panel sa Senado mula sa orihinal na petsa na Hunyo 2 dahil umano sa mga tatalakaying “priority legislative measures before the 19th Congress adjourns” as the reason for the postponement.

Ani Escudero, ikinonsulta niya ang hakbang sa ilang mga senador.

“Ang pinakamalayo nang mararating ng Senado ay ang mag-issue ng summons, dahil merong 10 araw para magsumite ng sagot ang nasasakdal at pagdating ng June 30, mawawalan na ng bisa ang awtoridad ang mga prosecutors,” aniya. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here