Home NATIONWIDE Pagkamatay ng 23 aso, pusa sa RoRo sa Cebu, iimbestigahan

Pagkamatay ng 23 aso, pusa sa RoRo sa Cebu, iimbestigahan

305
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Veterinary Medicine and Fisheries sa Cebu City na iimbestigahan na nito ang pagkasawi ng nasa 23 aso at pusa na sakay ng isang roll-on/roll-off (RoRo) ship na nakadaong sa naturang lungsod.

Sa video na nag-viral sa social media, sinabi ng uploader na ang mga aso at pusa ay nasa loob ng kulungan.

“Patay lahat ng karga namin, ayaw kaming pababain sa carpark,” tinig sa naturang video.

Ani DVMF Head Dr. Alice Utlang, maaaring magsimula na ang kanilang grupo sa pag-imbestiga sa insidente.

“My animal welfare officer will go to the shipping line to ask the issue,” sinabi ni Utlang sa panayam ng ABSCBN News.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, ang RoRo ay nagmula sa Batangas at nag-stop over sa Iloilo City bago dumiretso sa Cebu.

Posible aniyang namatay ang mga hayop dahil sa heat stroke dahil ang mga ito ay nasa loob ng barko.

Maaaring maharap sa reklamong paglabag sa Animal Welfare Act ang mga responsable rito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here