Home NATIONWIDE NCAP violations makikita, mababayaran sa eGov PH – DICT

NCAP violations makikita, mababayaran sa eGov PH – DICT

310
0

MANILA, Philippines – Sa lalong madaling panahon, maaaring makita at mase-settle na ng mga motorista ang kanilang traffic violations gamit ang eGov PH super app ng gobyerno.

Ito ay dahil sa hakbang ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na isasama ang No Contact Apprehension Policy (NCAP) system sa kanilang digital platform.

Ayon kay DICT Undersecretary David Almirol Jr., sa isang press briefing sa Malacañang matapos ang pulong nila ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), “Nagmeeting na po kami sa MMDA, so mare-receive mo na po yung mga penalties mo sa eGov app.”

Dagdag pa niya, “Kapag natapos po ‘yung integration, ang ganda po nito, makikita niyo ‘yung mga violations niyo. At kahit nasa bahay kayo, puwede na isettle ‘yung penalties.”

Pinahintulutan ng NCAP ang MMDA na mag-record, repasuhin, at mag-validate ng traffic violations gamit ang CCTV cameras. Ipinapatupad ito sa mga pangunahing lansangan tulad ng EDSA, Commonwealth Avenue, Quezon Avenue, Roxas Boulevard, at Taft Avenue.

Ang pagsasama ng DICT sa NCAP ay bahagi ng mas pinalawak na pagsisikap ng ahensya na maghatid ng mas maraming serbisyong pampubliko sa iisang digital platform.

Ani Almirol, halos 1,000 government systems na ang nakakabit sa eGov PH app, kabilang na ang mga serbisyo kaugnay ng digital identification, turismo, paglalakbay, at mga benepisyo mula sa mga ahensiya gaya ng PhilHealth at GSIS.

Samantala, patuloy na itinutulak ni Pangulo Ferdinand Marcos Jr. ang digital transformation upang gawing simple at accessible ang mga serbisyo publiko. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here