Home OPINION NCH AT MSGC, NAGSANIB-PWERSA PARA SA KALINGANG WORLD-CLASS!

NCH AT MSGC, NAGSANIB-PWERSA PARA SA KALINGANG WORLD-CLASS!

148
0

QUEZON CITY – Walang iwanan sa pagbibigay ng de-kalidad na serbisyong medikal! Ito ang naging sentro ng usapan sa ginanap na unang pagpupulong ng National Children’s Hospital (NCH) Multi-Sectoral Governance Council (MSGC) ngayong 2026.

Sa ilalim ng pamumuno ni dating DOH Secretary at MSGC Chair Dr. Paulyn Jean Ubial, ka­­tuwang ang NCH Executive Com­mittee sa pangunguna ni Medical Center Chief Dr. Philip A. Morales, binuo ang isang “Dream Team” natututok sa iba’t ibang aspeto ng pag-unlad ng ospital.

ROADMAP PARA SA MASA

Hinati ang mga miyembro ng MSGC sa mga partikular na tungkulin para masiguro na wa­lang bata ang mapagkakaitan ng tulong:

• PATIENT CARE: Todo-bantay sina Ms. Fatima Lorenzo, Mr. Eric Tensuan, at Ms. Girlie para sa mga batang may sakit sa puso at dugo (Hematology at Cardiac).

• PERA AT IMPORMAS­YON: Ang pambato ng masa na si Dr. Hilda Ong (Agarang Serbisyo Lady) at Mr. Adam Sim ang bahala sa paghahanap ng pondo para sa mga makabagong gamit at pag­papakilala sa NCH sa publiko.

• RESEARCH & POLICY: Nakatutok si Dr. Juliet Bucoy sa mga bagong pag-aaral, habang sina Cong. Bong Suntay, VM Gian Sotto, at Dr. Nina Castillo-Carandang ang tulay sa gobyerno.

PARA SA KABATAANG PINOY

Layunin ng NCH na maging “number one” specialty hospital para sa mga bata at Kabataan mula bagong silang hanggang 19-anyos, lalo na ang mga indi­gent na nangangailangan ng re­ferral.

“Ang maayos na ugnayan ng MSGC at ng ospital ang magtitiyak na ang serbisyo ng NCH ay makararating sa mga batang pi­nakanangangailangan, saan mang sulok ng bansa sila naroroon,” pahayag ng pamunuan.

Ang lahat ng miyembrong ito ay direktang katuwang ng NCH Executive Committee (Exe­Com) sa pangunguna ni Me­di­cal Center Chief Dr. Philip A. Mo­rales. Kasama niya sina Dr. Cecilia Dizon, Mr. Reynaldo Salazar, Ms. Joanabelle Orzales, Ms. Lenore Pasol, at OSM Chair Dr. Cynthia Castro. Ang matibay na koor­dinasyong ito, na sinusuporta­han ng Technical Working Group (TWG) sa ilalim ni Dr. Jhoanna Abuzman, ang magsisilbing pundasyon ng NCH sa darating na ISA (Institute for Solidarity in Asia) Audit.

Ang tagumpay ng alignment na ito ay ang magtitiyak na ang strategic positions ng ospital ay magbubunga ng tunay na kali­nga para sa mga batang Filipino hanggang 19-taong gulang.

Handa na rin ang NCH para sa darating na ISA Audit, patunay na ang kanilang pamamalakad ay tapat, mabilis, at para sa ba­wat batang Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here